Basahin: Cocaine: Isang Maikling Kasaysayan
COCAINE: ISANG MAIKLING KASAYSAYAN
Ang coca ay isa sa pinaka-sinauna, pinakamatapang at pinakamapanganib na pampasigla na natural na matatagpuan sa kaligtasan. Tatlong libong taon bago pa ipanganak si Kristo, ang mga sinaunang Inca sa Andes ay ngumunguya ng dahon ng coca para mapabilis ang kanilang paghinga at para makontra ang mga epekto ng pamumuhay sa manipis na hangin ng kabundukan.
Ang mga katutubong Peruviano ay ngumunguya ng mga dahon ng coca habang mayroong seremonyang panrelihiyon lamang. Ang pagbabawal na ito ay nawasak noong sinakop ng mga Espanyol na sundalo ang Peru noong 1532. Ang
mga puwersadong Indian na manggagawa sa mga mina ng pilak ng mga Espanyol ay patuloy na binibigyan ng mga dahon ng coca dahil pinadadali nito ang pagkontrol at pag-abuso sa kanila.
Ang cocaine ay unang nagawa noong 1859 ng Alemang kimiko na si Albert Niemann. Noong mga 1880 lamang ito nagsimulang maging popular sa medikal na komunidad.
Ang Austrianong psychoanalyst na si Sigmund Freud, na gumamit ng drogang ito mismo, ay ang unang malawakang nagtaguyod ng cocaine bilang isang tonic para makagamot sa depression at kawalan ng kakayahang sekswal.
Noong 1884, inilathala niya ang isang artikulong pinamagatang “Über Coca” (Tungkol sa Coke) na nagtataguyod sa mga “benepisyo” ng cocaine, tinatawag itong “mahikal” na substansya.
Gayunpaman, si Freud ay hindi isang obhetibong tagapagmatyag. Regular siyang gumamit ng cocaine, iminungkahi ito sa kanyang nobya at sa kanyang matalik na kaibigan at iminungkahi ito para sa pangkalahatang paggamit.
Habang naoobserbahan na ang cocaine ay humantong sa “pisikal at moral na kasiraan,” patuloy na itinataguyod ni Freud ang cocaine sa kanyang malalapit na kaibigan, isa sa kanila ay nagdusa mula sa paranoid na mga guni-guni tungkol sa “paggapang ng mga puting ahas sa kanyang balat.”
Naniniwala rin siyang “Para sa mga tao, ang nakalalasong dosis (ng cocaine) ay napakataas, at mistulang walang nakamamatay na dosis.” Labag sa paniniwalang ito, isa sa mga pasyente ni Freud ay namatay mula sa mataas na dosis na inireseta niya.
Noong 1886, nagakaroon ng karagdagan pang kasikatan ang droga noong isinama ni John Pemberton ang mga dahon ng coca bilang sangkap sa kanyang bagong inumin, ang Coca-Cola. Ang nakasisiya at nakasisiglang mga epekto sa
mga mamimili ay tumulong na makapagpabulusok paitaas ng kasikatan ng Coca-Cola sa paglipat ng siglo.
Mula noong mga 1850 hanggang sa sinaunang bahagi ng mga 1900, ang cocaine at mga eliksir na may halong opium, mga tonic at mga alak ay malawakang ginagamit ng mga taong mula sa iba’t ibang antas ng lipunan. Ang mga kilalang pigura na nagtaguyod ng “milagrosong” mga epekto ng mga cocaine tonic at mga eliksir ay kinabibilangan ng mga imbentor na si Thomas Edison at ang artistang si Sarah Bernhardt. Ang drogang ito ay naging sikat sa industriya ng pinilakang tabing (noon ay mga tahimik na pelikula) at milyon naman ang naimpluwensiyahan ng mga mensaheng para sa cocaine na lumalabas mula sa Hollywood noong panahong iyon.
Tumaas ang paggamit ng cocaine sa lipunan at ang mga panganib ng droga ay dahan-dahang naging mas malinaw. Ang matinding pagtataguyod mula publiko ay nagdulot sa kompanya ng Coca-Cola na tanggalin ang cocaine mula sa soft drink nito noong 1903.
Noong 1905, naging sikat ang pagsinghot ng cocaine at sa loob lamang ng limang taon, ang mga ospital at medikal na literatura ay nagsimulang mag-ulat ng mga kaso ng mga pinsalang may kinalaman sa ilong na nagreresulta mula sa paggamit ng drogang ito.
Noong 1912, iniulat ng Estados Unidos ang 5,000 kamatayang may kinalaman sa cocaine sa loob ng isang taon at noong 1922, ang droga ay opisyal na ipinagbawal.
Noong mga 1970, lumitaw ang cocaine bilang ang usong bagong droga para sa mga artista at
mga negosyante. Ang cocaine ang naging para bang perpektong kasama para sa isang biyahe tungo sa mabilis na landas. “Nagbibigay ito ng enerhiya”at nakatutulong ito sa mga taong “magpuyat.”
Sa ilang mga unibersidad, ang porsiyento ng mga estudyanteng nag-eeksperimento gamit ang cocaine ay tumaas nang sampung beses mula noong 1970 hanggang 1980.
Noong huling banda ng 1970, ang mga Colombianong nagtutulak ng droga ay nagsimulang magsaayos ng mabubusising koneksiyones para sa pagpupuslit ng cocaine sa Estados Unidos.
Nakasanayan na ang cocaine ay drogang pangmayaman dahil sa kamahalan ng paggamit ng cocaine. Sa pagdating ng huling banda ng 1980, hindi na iniisip ang cocaine bilang droga para sa mayayaman. Noong panahong iyon, mayroon na itong reputasyon bilang ang pinakamapanganib at nakaaadik na droga ng Amerika, na kaugnay sa kahirapan, krimen at kamatayan.
Noong unang banda ng 1990, ang mga kartel ng droga ng Colombia ay lumikha at nagluwas ng mga 500 hanggang 800 tonelada ng cocaine bawat taon, nagluluwas hindi lamang sa Estados Unidos ngunit pati na rin sa Europa at Asia. Binuwag ng mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas ang malalaking kartel ng droga noong mga kalagitnaan ng 1990, ngunit napalitan sila ng maliliit na grupo—nang may higit pa sa 300 kilalang aktibong mga organisasyong nagpupuslit ng droga sa Colombia sa kasalukuyan.
Sa pagdating ng 2008, ang cocaine ang naging pinaka-ikinakalakal na ilegal na droga sa mundo.