3.1 Basahin ang booklet

Basahin: Pandaigdigang Estadistika

PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA

Ipinakikita ng mga sarbey na halos kalahati ng mga parokyano ng mga dance club sa Europa ay naging high sa cocaine.
Ipinakikita ng mga sarbey na halos kalahati ng mga parokyano ng mga dance club sa Europa ay naging high sa cocaine.

Ang cocaine ang pangalawang pinaka-ginagamit na ilegal na droga sa mundo. Ipinapakita ng kamakailan-lamang na estadistika na ang pandaigdigang pananamsam ng cocaine ay patuloy na tumataas at ngayon ay humahantong na sa 756 metrika tonelada, ang pinakamatataas na timbang ng droga ay nasasambat sa Timog Amerika, sinusundan ng Hilagang Amerika.

Ayon sa European Monitoring Centre on Drugs and Drug Addiction (Europeong Sentro ng Pagmamatyag sa Mga Droga at Pagkalulong sa Droga), ang cocaine din ang pangalawang pinakamadalas na ginagamit na ilegal na droga sa Europa. Sa mga kabataan (15 hanggang 34 gulang), tinatayang 7.5 milyon ang gumamit ng cocaine halos minsan sa kanilang buong buhay, 3.5 milyon sa nakalipas na taon at 1.5 milyon sa nakalipas na buwan.

Sa Estados Unidos, iniulat ng National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit ng Droga at Kalusugan) noong 2006 na 35.3 milyong Amerikano mula edad na 12 at pataas ang nagsabing gumamit sila ng cocaine. Ipinakita ng US National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit ng Droga at Kalusugan ng Estados Unidos) noong 2007 na 8.6 milyong Amerikanong edad 12 at matanda pa ay naiulat na gumagamit ng crack. Sa mga 18 hanggang 25 taong gulang, 6.9% ng mga sinarbey ay nagsabing gumamit sila ng cocaine (kabilang na ang crack) sa loob ng nakaraang taon. Sa mga estudyante ng mataas na paaaralan, 8.5% ng mga nasa 12 na antas ang gumamit ng cocaine sa isang punto sa buhay-kabataan nila, ayon sa Monitoring the Future Study noong 2006 ng National Institute for Drug Abuse.

Sa Estados Unidos, ang cocaine ay ang patuloy na pinakamadalas na mabanggit na ilegal na droga na inuulat sa Drug Abuse Warning Network ng mga emergency department ng mga ospital. May 448,481 pagbisita sa mga emergency department na may kinalaman sa cocaine na naiulat noong 2005.

“Ang kaibigan ko ay apat na taong gumagamit ng droga, tatlong taon dito ay gumagamit siya ng matitinding droga tulad ng cocaine, LSD, morphine at maraming ibang antidepressant at painkiller. Sa totoo lang, at anupamang maaari niyang magamit. Lagi siyang nagrereklamo tungkol sa katakut-takot na mga sakit sa kanyang katawan at palala siya nang palala hangga’t sa wakas ay pumunta siya sa doktor.

Sinabi sa kanya ng doktor na wala nang magagawa para sa kanya at na dahil sa pagkasira ng katawan niya, hindi na siya magtatagal. Sa loob ng ilang araw—patay na siya.
— Dwayne