3. Basahin ang booklet

Basahin: Ano Ang Ritalin?

ANO ANG RITALIN?

Ang Ritalin ay ang karaniwang pangalan para sa methylphenidate, inuri ng Drug Enforcement Administration bilang isang Schedule II narcotic—parehong klasipikasyon tulad ng sa cocaine, morphine at mga amphetamine.1 Inaabuso ito ng mga kabataan dahil sa pampasiglang mga epekto nito.

Kahit na kapag ang Ritalin ay ginamit bilang isang iniresetang droga, maaari itong magkaroon ng masasamang mga epekto katulad ng pagkanerbiyoso, hindi makatulog, anorexia, pagkawala ng gana sa pagkain, pag-iiba ng pulso, mga problema sa puso at pagbaba ng timbang. Sinasabi ng mga gumagawa nito na nauuwi kang umaasa sa drogang ito.

Noong Hunyo 2005, ang US Food and Drug Administration (Administrasyon para sa Droga at Pagkain ng Estados Unidos) ay naglabas ng isang serye ng mga babalang pambublikong kalusugan na nagbibigay-babala na ang Ritalin at mga drogang katulad nito ay maaaring maging sanhi ng mga nakikitang guni-guni, mga ideya ng pagpapakamatay at baliw na pagkilos, pati na rin pananalakay o marahas na pagkilos.

Sinabi ng isang manunulat: “Ang mga magulang ay kailanman hindi sinabihang: ‘Ay, siya nga pala, paminsan-minsan, ang isang bata ay simpleng namamatay sa pag-inom ng iniresetang gamot para sa kanila.’ O ‘Siya nga pala, ang mga batang umiinom ng pampasiglang mga gamot ay dalawang beses na mas malamang na umabuso sa droga sa hinaharap.’ O ‘Siya nga pala, ikatlong bahagi ng lahat ng
mga bata na umiinom ng mga gamot na ganito ay nagkakaroon ng mga sintomas ng obsessive-compulsive na pagkilos sa loob ng unang taon.’”

  1. amphetamine: isang malakas na pampasigla sa central nervous system (pangunahing sistema ng nerbiyos na ang utak at gulugod), malimit na tinatawag na “speed.”