Basahin: Ang Napakasasamang Epekto ng Mga Inireresetang Pampasigla
ANG NAPAKASASAMANG EPEKTO NG
INIRERESETANG MGA PAMPASIGLA
Ang mala-amphetamine na substansyang ito ay nagdudulot ng parehong uri ng epekto sa katawan tulad ng ibang anyo ng speed—kawalan ng gana sa pagkain, hindi makatulog, napabilis na tibok ng puso. Ang pag-abuso ng drogang ito sa mas malalaking dosis, lalo na sa pamamagitan ng inheksiyon o pagsinghot, ay higit pang nagpapahirap sa katawan. Ang pagpapahirap nito sa puso ay maaaring nakamamatay.
Halimbawa, isang kaso ng isang kabataan—isang matagalang gumagamit ng Ritalin—na bigla na lamang bumigay habang nag-iiskateboard. Namatay sa atake sa puso.
Ang inheksiyon ng Ritalin ay mayroon pang karagdagang nakatatakot na epekto sa katawan. Habang ganap na natutunaw sa tubig ang kemikal na substansyang methylphenidate, ang mga tableta ay nagtataglay rin ng maliliit na hindi natutunaw na pampadagdag. Ang solidong mga materyal na ito ay bumabara sa mga daluyan ng dugo kapag itinurok, na nagdudulot ng seryosong pinsala sa mga baga at sa mga mata.
Karagdagan pa sa pisikal na epekto, mayroon ding seryosong pang-emosyong mga kondisyong idinudulot ng maging hindi matagalang paggamit ng drogang ito. Ang mga guni-guni at baliw na
pag-uugali ay karaniwan.
pampasigla mananaliksik sa Texas na ang paggamit ng Ritalin ay maaaring makapagpalaki sa panganib ng cancer. Natuklasan ng pag-aaral na ito na isa sa bawat isang dosenang kabataang ginagamot gamit ang methylphenidate ay nakararanas ng namamanang abnormalidad na may kinalaman sa mas mataas na panganib na magkaroon ng cancer.
Panandaliang Mga Epekto
- Kawalan ng gana sa pagkain
- Napabilis na tibok ng puso, napataas na presyon ng dugo, napataas na temperatura ng katawan
- Paglaki ng mga balintataw
- Putul-putol at magulong pagtulog
- Pagkaduwal
- Kakaiba, pabugsu-bugso at minsan ay marahas na pag-uugali
- Mga guni-guni, sobrang hindi mapakali at pagka-iritable
- Hindi mapakali at psychosis
- Mga kombulsyon, mga seizure at biglaang kamatayan mula sa matataas na dosis
Pangmatagalang mga epekto
- Permanenteng pinsala sa mga daluyan ng dugo ng puso at utak, mataas na presyon ng dugo na humahantong sa mga atake ng puso, mga stroke at kamatayan
- Pinsala sa atay, bato at baga
- Pagkasira ng mga himaymay sa loob ng ilong kapag sininghot
- Problema sa paghinga kapag hinithit
- Nakahahawang mga sakit at mga nana kapag itinuturok
- Malnutrisyon, pagbawas ng timbang
- Kawalan ng oryentasyon, apatiya, litong kapaguran
- Malakas na mental na pagdepende sa iba
- Kabaliwan
- Matinding kalungkutan
- Pagkasira sa utak kasama ang mga atake sa utak at posibleng epilepsy