Basahin: Mga Pampasigla
MGA PAMPASIGLA
Ang mga pampasigla, minsan ay tinatawag na “uppers,” ay pansamantalang nagpapataas ng kaliksihan at enerhiya. Ang pinakakaraniwang ginagamit na
mga droga sa lansangan na mauuri sa kategoryang ito ay cocaine at mga amphetamine.
Ang mga inireresetang mga pampasigla ay makukuha bilang tableta o mga kapsula. Kapag inaabuso, ang mga ito ay nilulunok, itinuturok sa likidong anyo o dinudurog at sinisinghot.
PANANDALIANG MGA EPEKTO
Kasama sa panandaliang mga epekto ng mga pampasigla ay kapaguran, apatiya at matinding kalungkutan—ang “down” na madaliang sumusunod sa “up.” Ang agaran at nagtatagal na kapagurang ito ang dagliang tumutulak sa gumagamit ng pampasigla na muling hangarin ang droga. Hindi magtatagal ay hindi na siya nagsusubok na maging “high,” nagsusubok lamang siyang “gumaling”—para makaramdam ng kahit anong enerhiya man lamang.
PANGMATAGALANG MGA EPEKTO
Maaaring makasugapa ang mga pampasigla. Ang paulit-ulit na paggamit ng matataas na dosis ng ilang pampasigla sa loob ng maikling panahon ay maaaring humantong sa pakiramdam ng karahasan o paranoia. Ang ganoong mga dosis ay maaari ring magresulta sa mapanganib na mataas na temperatura ng katawan at iregular na tibok ng puso.