3.2 Basahin ang booklet

Basahin: Mga Depressant

MGA DEPRESSANT

Paminsan-minsang tinatawag na “downer,” ang mga drogang ito ay nakukuha sa mga tableta at kapsulang marami ang kulay o sa anyong likido. Ang ilang drogang nasa kategoryang ito, tulad ng Zyprexa, Seroquel and Haldol, ay kilala bilang “pangunahing mga tranquilizer o pampakalma” o “mga antipsychotic,” dahil ang mga ito ay pinaniniwalaang nagpapabawas sa mga sintomas ng mga sakit sa isipan. Ang mga depressant na tulad ng Xanax, Klonopin, Halcion and Librium ay kalimitang tinatawag na “benzos” (maikling tawag para sa benzodiazepines1). Ang ibang mga depressant, tulad ng Amytal, Numbutal at Seconal, ay inuri bilang mga barbiturate—mga drogang ginagamit bilang mga sedatibo at mga mga pildoras na pampatulog. Ilan sa mga kilalang-kilalang tatak at mga sikat na pangalan ay matatagupan dito.

 

 

mga depressant: panandaliang mga epekto

  • Mabagal na takbo ng utak
  • Napabagal na pulso at paghinga
  • Napababang presyon ng dugo
  • Mahinang konsentrasyon
  • Kalituhan
  • Sobrang kapaguran2
  • Pagkahilo
  • Hindi malinaw na pananalita
  • Lagnat
  • Kabagalan
  • Mga kaguluhan sa paningin
  • Napalaking mga balintataw
  • Kalituhan, kakulangan ng koordinasyon
  • Matinding kalungkutan
  • Kahirapan o kawalan ng kakayahang umihi
  • Pagkalulong

Ang mas matataas na dosis ay maaaring maging sanhi ng kahirapan sa pag-alala, pagpapasya at koordinasyon, pagka-iritable, paranoia,3 at mga kaisipan ng pagpapakamatay. Ilang tao ang nakararanas ng kabaligtarang hinahangad na epekto, tulad ng pagkabalisa o pananalakay.

Ang paggamit ng mga sedatibo (mga drogang ginagamit para kumalma o magpahinahon) at
mga pampakalma at ang ibang mga bagay, lalo na ang alkohol, ay maaaring magpabagal sa paghinga at tibok ng puso at maaaring humantong sa kamatayan.

(Photo credit: Stockxpert)
(Photo credit: Stockxpert)

mga depressant: pangmatagalang
mga epekto

Ang hindi na pagtalab ng maraming depressant ay maaaring mabilis na maganap, at kakailanganin ng mas maraming dosis para makamit ang parehong epekto. Ang gumagamit, na nagsusubok na makuha ang parehong “high”, ay maaaring taasan ang dosis sa antas na nagreresulta sa coma (pagka-comatose) o kamatayan dahil sa overdose (pagkasobra sa dosis ng droga).

Ang pangmatagalang paggamit ng mga depressant ay maaaring magdulot ng matinding kalungkutan, matagalang sobrang kapaguran, mga kahirapan sa paghinga, mga problema sa sex at pagtulog. Habang tumataas ang pagdepende sa droga, mas nagiging karaniwan ang masisidhing paghahangad, pagkabalisa o pagkataranta kapag hindi makakuha ng mas marami pa ang gumagamit.

Kabilang sa mga sintomas ng withdrawal ang insomnia, kahinaan at pagkahilo. Sa mga patuloy na gumagamit at mga gumagamit ng matataas na dosis, maaaring magkaroon ng pagkabalisa, mataas na temperatura ng katawan, deliryo, mga guni-guni at mga kombulsyon. Hindi katulad ng withdrawal mula sa maraming droga, ang withdrawal mula sa mga depressant ay maaaring maging mapanganib sa buhay.

Pinapataas din ng mga drogang ito ang panganib ng mataas na blood sugar (dami ng asukal sa dugo), diyabetes, at pagtaas ng timbang (naiulat na nagkaroon ng pagkakataong hanggang 100 libra ang naidagdag sa timbang).

Sa isang pag-aaral na ginawa ng USA Today, batay sa mga datos ng Food and Drug Administration sa loob ng apat na taon, ang mga antipsychotic (isang uri ng depressant) ang pangunahing pinaghihinalaan sa 45 na mga kamatayang sanhi ng mga sakit sa puso, pagkahirin, pagkasira ng atay at pagpapakamatay.

“Dalawang beses akong na-overdose (nasobrahan sa dosis) ng iniresetang mga pildoras (Zyprexa) at mayroong isang malapit na kaibigang namatay sa parehong droga….Walang mas masamang pakiramdam kaysa malamang namatay ang kaibigan mo dahil binigyan mo siya ng mga pildoras na hindi mo talaga gaanong kilala.” Linda

  1. 1. benzodiazepine: isang pampakalmang nagpapalambot ng mga kalamnan at nagpapakalma sa isipan.
  2. 2. sobrang kapaguran: matinding pisikal o pangkaisipang kapaguran.
  3. 3. paranoia: pagdududa, kawalan ng tiwala o takot sa ibang tao.


MGA SIKAT NA TAWAG


DEPRESSANTS Brand Names Xanax Valium Halcion Librium Ativan Klonopin Amytal Nembutal Seconal Phenobarbital Street Names Barbs Candy Downers Phennies Reds Red Birds Sleeping pills Tooies Tranks Yellows Yellow Jackets