3.7 Basahin ang booklet

Basahin: Sa Landas Tungo sa Pag-abuso ng Droga

SA LANDAS TUNGO SA PAG-ABUSO NG DROGA

Isang taong gumagamit para sa libangan ay gumamit ng marijuana para sa epektong nililikha nito at ang high o buzz na gusto nilang makuha mula rito. Dahil sa patuloy na paggamit ay hindi na ito tumatalab, maaari nitong dalhin ang mga gumagamit nito tungo sa paggamit mas malalakas na droga para makamit ang parehong “high.” Kapag nagsisimula nang mawala ang ang mga epekto, maaaring bumaling sa mas malalakas na droga ang isang tao para mawala ang mga hindi kanais-nais na kondisyong nagtulak sa kanyang gumamit ng marijuana sa una. Ang marijuana mismo ay hindi nagdadala sa tao sa paggamit ng iba pang mga droga.

Gumagamit ng mga droga ang mga tao para mawalan sila ng hindi kanais-nais na mga sitwasyon o pakiramdam. Tinatabunan ng marijuana ang problema nang ilang panahon (habang “high” ang gumagamit). Kapag lumipas ang “pagka-high”, ang problema, ang hindi kanais-nais na kondisyon o sitwasyon ay bumabalik nang mas matindi kaysa nauna. Sa ganoong pagkakataon, maaaring bumaling ang gumagamit sa mas malalakas na droga dahil hindi na “tumatalab” ang marijuana.

Naroon din ang katotohanan na karaniwang nagsasama-sama ang mga gumagamit ng marijuana sa mga party o tumatambay lang para sama-samang gumamit kasama ng ibang tao. At kapag may nagdagdag ng bagong droga sa grupong iyon, bahagi na ng mentalidad ng grupo para sa lahat na makisali sa bago at potensiyal na nakaka-adik na droga.

Karamihan ng gumagamit ng cocaine (99.9%) ay nagsimula sa pamamagitan sa unang paggamit ng isang “gateway drug” tulad ng marijuana, sigarilyo o alkohol.34 Siyempre, hindi lahat ng humihithit ng marijuana at hashish ay tumutuloy sa paggamit ng mas matapang na mga droga. Ang ilan ay hindi kailanman tumutuloy sa paggamit ng mas matapang na mga droga. Ang iba ay tumitigil sa paggamit ng marijuana at iba pa nang sabay-sabay. Ngunit ang iba ay tumutuloy. Isang pag-aaral ang nakatuklas na ang kabataan (12 to 17 taong gulang) na gumagamit ng marijuana ay 85 beses na mas malamang na gumamit ng cocaine kaysa sa mga batang hindi gumagamit ng pot, at 60% sa mga batang humihithit ng pot bago ang edad na 15 ay tumutuloy sa cocaine.35

“Nabigyan ako ng una kong joint sa palaruan sa aming eskuwelahan. Isa na akong adik sa heroin ngayon, at katatapos ko lang ng pangwalo kong gamutan para sa adiksyon sa droga.”— Christian