Basahin: Dabbing at Mooking
DABBING
Ang THC na piniga at ginawang langis ay maaaring pasingawin at gawing isang malagkit na goo o wax na hinihithit o, mas sikat, vine-vaporize. Ang goo na iyon ay puwede pang mas pinuhin para maging matigas at mala-salaming bagay na kadalasang tinatawag na “shatter.”
Ang konsentradong anyong ito ng marijuana ay mabilis na pinapainit sa isang napakainit na ibabaw, pinasisingaw, at pagkatapos ay nilalanghap sa pamamagitan ng espesyal na aparato, minsang tinatawag na “dab rig” o isang “oil rig.” Ang prosesong ito tinatawag na dabbing.
ANG MGA EPEKTO NG DABBING
Kapag ang isang tao ay lumanghap ng konsentradong “hit” sa pamamagitan ng dabbing, ang pisikal at pangkaisipang mga epektong nagaganap sa paghithit ng marijuana ay napatitindi.
Ang laman ng THC sa mga dab ay mula sa 60% at puwedeng kasing-taas ng 90%.7
Ang mga concentrate ng marijuana ay talagang bago sa eksena na ang kanilang mapapanganib na mga epekto ay hindi pa napag-aaralan. Gayunpaman, naobserbahan ng mga doktor at mga espesyalista sa pag-abuso ng droga na ang mapapanganib na pangkaisipang mga epektong nalilikha sa regular na marijuana ay napapalaki sa mga marijuana concentrate.
Naiulat ng mga gumagamit na ang anyong ito ng marijuana ay maaaring lumikha ng mga psychotic break, mga guni-guni (pagkakita at pagkarinig sa mga bagay na wala naman doon), at pagkakaroon ng mga pakiramdam na para bang mga insektong gumagapang sa ilalim ng mga balat.8
Dahil ang mga concentrate na ito ay napakalakas, nagkaroon ng mga paulit-ulit na kaganapan kung saan kinailangang tumawag ng mga 911 team dahil sa overdose (pagkasobra ng dosis) sa cannabis.
MOOKING
Ang paghithit ng tabako at marijuana nang sabay sa isang bowl ng pipa ay tinatawag na mooking.
Ang mga kemikal ng tabako at marijuana ay nagkaka-epekto sa nervous system (sistema ng mga nerbiyos) at naaapektuhan parehong ang isipan at katawan. Ilan sa mga epektong ito ay hindi na nababago.9 Ang paghithit ay nakilalang nagdudulot ng panghuling yugto ng sakit sa baga na nangangailangan ng mga oxygen tube 24 oras kada araw. Kapag naganap ito, hindi na nakagagawa ng normal na mga gawain ang isang tao. Ang simpleng mga bagay na tulad ng paglalakad mula sa sild hanggang sa banyo ay halos imposible dahil sa matinding kakapusan ng hininga.9
“Nauwi ako sa mental hospital dahil 10 araw na at mga 10 hanggang 15 oras lamang ang naitulog ko.”