Basahin: Mga Sikat na Tawag para sa LSD
MGA SIKAT NA TAWAG
diamonds Microdot Pane Purple Heart Superman Tab Window pane Yellow sunshine Zen
ANO ANG PAMPAGUNI-GUNI?
Ang mga pampaguni-guni ay mga drogang nagdudulot ng mga guni-guni. Ang mga gumagamit ay nakakikita ng mga imahe, nakaririnig ng mga tunog at nakararamdam ng mga bagay-bagay na para bang talagang tunay ngunit hindi naman totoo. Ang ilang mga pampaguni-guni ay gumagawa rin ng bigla at hindi mahulaang mga pagbabago sa mga ugali ng mga gumagamit sa kanila.
“Sa edad na 16 ay naipakilala ako sa isang drogang inabuso ko nang higit sa tatlong taon—LSD. Ang hindi ko alam ay ang katotohanang ang LSD ang pinakamalakas na pampaguni-guning kilala sa tao.
“Ang droga ay nasa anyo ng isang maliit na piraso ng papel na hindi mas malaki kaysa sa aking hintuturo, tinatawag na blotter. Labinlimang minuto pagkatapos ilagay ang papel sa aking dila, uminit ang buong katawan ko at nagsimula akong magpawis.
“Ilan sa ibang reaksiyong naranasan ko habang gumagamit ng droga ay kinabibilangan ng madilat na mga balintataw, pagkaduwal at pangingilabot. Habang high ako sa LSD, pakiramdam ko na may malaking kaguluha’t kalituhan parehong sa isipan at katawan ko. Ang mga biswal na pagbabago pati na rin ang napakalalaking pagbabago sa ugali ay parang kakaibang nakatatakot na trip—isang trip kung saan pakiramdam ko ay wala akong kontrol sa aking isipan at katawan.” — Edith