3.5 Basahin ang booklet

Basahin: LSD: Isang Maikling Kasaysayan

LSD: ISANG MAIKLING KASAYSAYAN

Albert Hofmann Photo credit: The Albert Hofmann Foundation
Albert Hofmann
Photo credit: The Albert Hofmann Foundation

Si Albert Hofmann, isang kimikong nagtatrabaho para sa Sandoz Pharmaceuticals, ay nag-synthesize1 ng LSD sa unang pagkakataon noong 1938, sa Basel, Switzerland, habang naghahanap para sa isang pampasigla ng dugo. Gayunpaman, ang mga pampaguni-guning epekto nito ay hindi alam hanggang 1943 noong aksidenteng nakainom si Hofmann ng LSD. Kalaunan ay natuklasang ang naiinom na dosis na kasing-unti ng 25 microgram (katumbas sa timbang ng kaunting butil ng asin) ay may kakayahang makapagdulot ng napakalilinaw na guni-guni.

Ang psychologist na taga-Harvard na si Timothy Leary, na nagtaguyod sa LSD at sa iba pang nakakabago ng utak na psychiatric na mga droga, ay inaresto at ikinulong dahil sa mga krimeng may kinalaman sa droga. Photo credit: DEA/Timothy Leary arrest
Ang psychologist na taga-Harvard na si Timothy Leary, na nagtaguyod sa LSD at sa iba pang nakakabago ng utak na psychiatric na mga droga, ay inaresto at ikinulong dahil sa mga krimeng may kinalaman sa droga.
Photo credit: DEA/Timothy Leary arrest

Dahil sa pagkakatulad nito sa isang kemikal na matatagpuan sa utak at sa pagkakatulad ng mga epekto nito sa ilang mga aspeto ng psychosis, ang LSD ay ginamit sa mga eksperimento ng
mga psychiatrist sa kabuuan ng dekada ’40, ’50 at ’60. Habang nabigong makatuklas ang mga mananaliksik ng anumang medikal na gamit para sa droga, ang libreng mga sample na ibinibigay ng Sandoz Pharmaceuticals para sa mga eksperimento ay ipinamamahagi nang malawakan, na humahantong sa malawakang paggamit ng substansyang ito.

Pinasikat ang LSD noong dekada ’60 ng mga indibidwal tulad ng psychologist na si Timothy Leary, na nanghikayat sa mga Amerkinanong estudyante na gawin ang “turn on, tune in, and drop out.” Lumikha ito ng isang buong kultura ng pag-abuso sa drogang sumasalungat sa kasalukuyang kultura at nagpakalat sa droga mula sa Amerika hanggang sa Inglatera at sa nalalabi pang bahagi ng Europa. Kahit ngayon, ang paggamit ng LSD sa Inglatera ay mas mataas kaysa sa iba pang bahagi ng mundo.

Ang mga psychiatric na programa para sa pagkontrol ng utak na tumututok sa LSD at iba pang mga pampaguni-guni ay lumikha ng henerasyon ng mga “acidhead” (gumagamit ng “acid”).
Ang mga psychiatric na programa para sa pagkontrol ng utak na tumututok sa LSD at iba pang mga pampaguni-guni ay lumikha ng henerasyon ng mga “acidhead” (gumagamit ng “acid”).

Habang ang ganoong kultura ng dekada ’60 ay gumamit ng droga para matakasan ang mga problema ng lipunan, nakita ng pang-intelihensiyang komunidad ng Kanluran at ng militar ang potensiyal nito bilang isang kemikal na sandata. Noong 1951, nagsimula ang mga organisasyong ito ng serye ng mga eksperimento. Napansin ng mga mananaliksik mula sa Estados Unidos na ang LSD ay “may kakayahang magdulot sa buong grupo ng mga tao, kabilang na ang mga puwersa militar, na maging walang pakialam sa kanilang mga kapaligiran at sitwasyon, sumasagabal sa pagpaplano at pagpapasya, at lumilikha pa ng pangamba, hindi makontrol na kalituhan at matinding takot.”

Ang mga eksperimento sa posibleng paggamit ng LSD para mabago ang
mga personalidad ng mga target ng intelihensiya at para makontrol ang buong
mga populasyon ay nagpatuloy hanggang sa opisyal na ipinagbawal ng Estados Unidos ang droga noong 1967.

Bumaba ang paggamit ng LSD noong dekada ’80, ngunit muli itong tumaas noong dekada ’90. Nang ilang taon pagkatapos ng 1998, naging mas malawakan ang paggamit sa LSD ng mas matatandang kadalagaha’t kabinataan sa mga dance club at magdamagang mga rave. Ang paggamit ay bumaba nang malaki noong
mga taong 2000.

“Sa mga araw na sumunod sa paggamit ko ng LSD, napuno ako ng pagkabalisa at napakatinding kalungkutan. Kasunod ng una kong ‘trip’ sa LSD, palagi ko itong gagamitin, minsan ay apat o limang beses kada linggo at nang matagalan. Bawat beses na gagamitin ko ang droga, mas palayo ako nang palayo sa realidad. Ang kinauwiang epekto ay ang kawalan ng kakayahan kong makaramdam na normal ako sa sarili kong katawan.” — Andrea

  1. 1. nag-synthesize: gumawa (ng isang droga) sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga kemikal.