Basahin: Imaginary Love Pill: Tanggalin Ang Maskara
PANAGINIP O BANGUNGOT?
- Ayon sa National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit ng Droga at Kalusugan) noong 2007, 12.4 milyong Amerikano edad 12 pataas ay sumubok gumamit ng Ecstasy minsan man lamang sa kanilang buhay, kinakatawan ng 5% ng populasyon ng Estados Unidos sa edad na iyon.
- Ayon sa resulta ng sarbey noong 2007, 2.3% ng mga nasa ikawalong baitang, 5.2% sa mga nasa ikasampung baitang at 6.5% ng mga nasa ikalabindalawang baitang ang sumubok gumamit ng Ecstasy isang beses man lamang.
- 92% sa mga nagsisimulang gumamit ng Ecstasy sa mas matandang edad ay bumabaling sa ibang droga tulad ng marijuana, mga amphetamine, cocaine at heroin
Imaginary Love Pill
Tanggalin ang Maskara
Ang Ecstasy ay kasalasang tinatawag na “the love pill” dahil pinapabuti nito ang pakiramdam sa kulay at tunog at sinasabi pang pinalalakas ang pakiramdam kapag hinahawakan o hinahaplos ang ibang tao, partikular habang nagse-sex.
Ngunit ang Ecstasy ay kadalasang may mga hallucinogen (pampaguni-guni), na mga drogang nagkaka-epekto sa isipan at nagdudulot sa taong makita o maramdaman ang mga bagay na wala naman doon. Ang mga hallucinogen ay maaaring magdala sa isang tao sa isang nakatatakot o nakalulungkot na karanasan mula sa nakaraan, kung saan siya “nakukulong” nang hindi man lamang niya namamalayan.
Ang imahe ng Ecstasy bilang “love pill” ay isa sa maraming kasinungalingang ipinakakalat tungkol sa droga.
Ang ecstasy ay nakakasira ng emosyon at ang mga gumagamit ay kadalasang nagdurusa sa matinding lungkot, pagkalito, napakatinding pagkabalisa, paranoia,1 baliw na pag-uugali at iba pang sikolohikal na problema.
“Ayos lang naman ang mga rave party basta hindi ka gumamit ng Ecstasy. Ngunit sa oras na masimulan mo na ito, iisipin mong ang mga taong nagsasabi sa iyong tumigil ay mga tanga. Sisimulan mong isiping nakahanap ka na ng isang bagay na napakaganda at hindi dapat subukan ng ibang sabihan ka ng kabaliktaran. Kapag nagsimula mo nang magustuhan ang Ecstasy, huli na ang lahat. Lubog ka na.” —Pat
- 1.paranoia: pagdududa, kawalan ng tiwala o takot sa ibang tao.