Maraming usap‑usapan tungkol sa mga droga sa mundo—sa mga lansangan, sa eskuwelahan, sa Internet at sa TV. Ang ilan sa mga ito ay totoo, ang ilan ay hindi.

Sa katunayan, marami sa mga naririnig ninyo tungkol sa mga droga ay nanggagaling sa mga nagbebenta ng mga ito. Umamin ang mga nagbagong‑buhay na nagbebenta ng droga na sasabihin nila ang kahit na ano para mapabili ang ibang tao ng droga.

Huwag magpapaloko. Kailangan mo ng mga katotohanan para makaiwas na malulong sa mga droga at matulungan ang iyong mga kaibigang lumayo sa mga ito. Iyon ang dahilan kung bakit namin inihanda itong libreng online course na itopara sa iyo.